• "Deliver Us from Evil": Heidelberg Catechism Lord's Day 52
    May 29 2024
    Tanong 127. Ano ang ika-anim na pagsamo? At huwag Mo kaming iadya sa tukso kundi iligtas Mo kami sa masama, na ang ibig sabihin ay: Sa ganang aming sarili, kami ay napakahina kung kaya’t hindi kami makapanindigan kahit isang saglit. Higit pa rito, ang aming mga kinikilalang kaaway—ang diyablo, ang kamunduhan, at ang aming sariling kalamnan—ay hindi tumitigil sa pag-atake laban sa amin. Dahil dito, loobin Mo nawang katigan kami’t palakasin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Iyong Banal na Espiritu, nang sa gayon sa espirituwal na pakikibakang ito ay hindi kami malugmok sa pagkatalo, kundi parating matatag naming mapaglabanan ang aming mga kaaway, hanggang sa wakas ay mapasaamin ang ganap na tagumpay.

    Tanong 128. Paano mo tinatapos ang iyong panalangin? "Sapagkat sa Iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman," na ang ibig sabihin ay: Ang lahat ng ito ay hinihiling namin sa Iyo dahil Ikaw bilang aming hari na may kapangyarihan sa lahat ng bagay ay nagnanais at kayang-kayang magkaloob sa amin ng lahat ng mabuti. At dahil hindi kami kundi ang Iyong banal na pangalan ang nararapat tumanggap ng lahat ng kaluwalhatian magpasawalang hanggan. Tanong 129. Ano ang ibig sabihin ng "Amen"? Ang ibig sabihin ng "Amen" ay ito ay totoo at tiyak. Sapagkat mas tiyak na pinakinggan ng Diyos ang aking panalangin kaysa aking nararamdamang pagnanais na makamtan ito mula sa Kanya.
    Mostra di più Mostra meno
    1 ora e 4 min
  • "Forgive Us Our Debts": Heidelberg Catechism Lord's Day 51
    May 29 2024
    Tanong 126. Ano ang ikalimang pagsamo? At patawarin Mo kami sa aming mga utang, tulad ng pagpapatawad namin sa mga may utang sa amin, na ang ibig sabihin ay: Alang-alang sa dugo ni Cristo, huwag Mong ibilang sa aming mga hamak na makasalanan ang anumang pagsalansang o kasamaang nananatili pa sa amin, kung papaanong nakikita namin ang patotoong ito ng Iyong biyaya sa aming sarili kung kaya kami ay puspusang nagpapasiya na taos-pusong magpatawad sa aming kapwa.
    Mostra di più Mostra meno
    1 ora e 9 min
  • "Give Us this Day Our Daily Bread": Heidelberg Catechism Lord's Day 50
    May 29 2024
    Tanong 125. Ano ang ika-apat na pagsamo? Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakainin sa araw-araw. Na ang ibig sabihin ay: Ipagkaloob Mo sa amin ang lahat ng aming pangangailangang pangkatawan nang sa gayon ay kilalanin namin na Ikaw lamang ang tanging pinagmumulan ng lahat ng mabubuting bagay, at na ang aming pag-iingat at pagsisikap, at pati na ang Iyong mga kaloob, ay hindi makagagawa ng kabutihan sa amin nang wala ang Iyong pagbabasbas. Kung kaya’t ipagkaloob Mo sa amin na talikuran namin ang pagtitiwala sa lahat ng mga nilikha at ilagak lamang ito sa Iyo.
    Mostra di più Mostra meno
    59 min
  • "Your Will be Done:" Heidelberg Catechism Lord's Day 49
    May 29 2024
    Tanong 124. Ano ang ikatlong pagsamo? Mangyari nawa ang Iyong kalooban, dito sa lupa tulad ng sa langit. Na ang ibig sabihin ay: Ipagkaloob Mo na kami at ang lahat ng mga tao ay tumanggi sa aming sariling kalooban, at walang kahit anong reklamo na sumunod sa Iyong kalooban, sapagkat ito lamang ang mabuti. Ipagkaloob Mo rin na maisakatuparan ng bawat isa ang kani-kaniyang tungkulin at pagkatawag na kasing luwag sa kalooban at kasing tapat ng sa mga anghel sa langit.
    Mostra di più Mostra meno
    36 min
  • "Your Kingdom Come": Heidelberg Catechism Lord's Day 48
    May 29 2024
    Tanong 123. Ano ang ikalawang pagsamo? Dumating nawa ang kaharian Mo. Na ang ibig sabihi’y: pagharian Mo kami sa pamamagitan ng Iyong Salita at Espiritu nang kami ay mas lalo pang magpasakop sa Iyo. Ingatan at palaguhin ang Iyong iglesiya. Wasakin ang mga gawa ng diyablo, bawat kapangyarihang nag-aaklas laban sa Iyo, at bawat pakikipagsabwatan laban sa Iyong banal na Salita. Pangyarihin ang lahat ng ito hanggang ang kabuuan ng Iyong kaharian ay dumating na kung saan Ikaw ay magiging lahat sa lahat.
    Mostra di più Mostra meno
    33 min
  • "Hallowed be Your Name": Heidelberg Catechism Lord's Day 47
    May 29 2024
    Tanong 122. Ano ang unang pagsamo? Sambahin nawa ang ngalan Mo. Iyon ay: ipagkaloob Mo sa amin una sa lahat na makilala ka namin nang tama. At sagraduhin, luwalhatiin, at purihin Ka sa lahat ng Iyong mga gawa, kung saan ay nagliliwanag ang Iyong makapangyarihang lakas, karunungan, kabutihan, katuwiran, kaawaan at katotohanan. Ipagkaloob Mo rin sa amin na maituon namin sa ganito ang aming buong buhay—ang aming pag-iisip, salita at mga gawa—ng ang Iyong pangalan ay hindi malapastangan ng dahil sa amin sa halip ay laging maparangalan at purihin.
    Mostra di più Mostra meno
    46 min
  • "Our Father in Heaven": Heidelberg Catechism Lord's Day 46
    May 29 2024
    Tanong 120. Bakit inutusan tayo ni Kristo na tawagin ang Diyos na ating Ama? Upang pukawin sa atin sa simula pa lamang ng ating panalangin ang paggalang at pagtitiwala sa Diyos na tulad ng sa isang bata na siyang nararapat na maging saligan ng ating pananalangin: Ang Diyos ay naging ating Ama sa pamamagitan ni Kristo at lalong hindi Niya ipagkakait sa atin ang hihilingin natin sa Kanya sa pananampalataya na kung paanong hindi rin ipinagkakait sa atin ng ating mga ama sa laman ang mga bagay sa mundong ito.

    Tanong 121. Bakit idinagdag ang, na nasa langit? Ang mga katagang ito ay nagtuturo sa atin na hindi natin dapat pag-isipan ang makalangit na karingalan ng Diyos sa makamundong pamaraan, at asahan mula sa Kanyang makapangyarihang lakas ang lahat ng ating kinakailangan para sa katawan at kaluluwa.
    Mostra di più Mostra meno
    1 ora e 3 min
  • On Prayer: Heidelberg Catechism Lord's Day 45
    May 29 2024
    Tanong 116. Bakit kinakailangan ang panalangin para sa mga Kristiyano? Sapagkat ang panalangin ay ang pinakamahalagang bahagi ng pasasalamat na hinihingi ng Diyos sa atin. Higit pa dito, ibibigay ng Diyos ang Kanyang biyaya at ang Banal na Espiritu doon lamang sa mga nagpapatuloy at may taos-pusong pag-asa na humihingi sa Kanya ng mga kaloob na ito at nagpapasalamat sa Kanya para sa mga ito.

    Tanong 117. Ano ang kalakip ng panalanging kalugod-lugod sa Diyos at Kanyang pinapakinggan? Una, dapat mula sa puso tayong tumawag sa nag-iisang tunay na Diyos lamang, na Siyang nagpahayag ng Kaniyang sarili sa Kaniyang Salita, para sa lahat ng iniutos Niya sa ating ipanalangin. Pangalawa, kinakailangnang lubus-lubusan nating kilalanin ang ating pangangailangan at kapighatian, nang sa gayon ay magpakumbaba tayo sa harapan ng Diyos. Pangatlo, dapat tayong manangan sa matibay na sandigang ito na, kahit hindi tayo karapat-dapat, ang Diyos ay tiyak na papakinggan ang ating panalangin alang-alang kay Cristo na ating Panginoon, tulad ng Kanyang ipinangako sa atin sa Kanyang Salita.

    Tanong 118. Ano ang iniutos ng Diyos sa atin na hilingin sa Kanya? Lahat ng bagay na kailangan ng katawan at kaluluwa, na napapaloob sa panalanging itinuro sa atin mismo ni Cristong ating Panginoon.

    Tanong 119. Ano ang panalangin ng Panginoon? Ama naming nasa langit, sambahin ang ngalan Mo. Dumating nawa ang kaharian Mo, mangyari nawa ang Iyong kalooban, dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw; at patawarin Mo kami sa aming mga utang, tulad ng pagpapatawad namin sa mga may utang sa amin; at huwag Mo kaming iadya sa tukso kundi iligtas Mo kami sa masama. Sapagkat sa Iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.
    Mostra di più Mostra meno
    1 ora